|
|
|
|
|
|
Para sa kaalaman ng opisyales at mamimili-kasapi ng Bapa, ang SPD (Special Project Division) ay patuloy na nag oorganize ng mga Sitio o Baranggay na nag nanais na magkaroon ng serbisyong kuryente.
Sa katunayan, ang pinakabago ay ang BAPA Gawad Kalinga sa dako ng Orion, na mayroong humigit kumulang na 10 mamimili – kasapi. Ito ay inorganize noong nakaraang Disyembre. Ito’y isang patunay sa patuloy na paglaki ng pamilya ng BAPA.
Sa Kasalukuyan hinihilingan ang mga Opisyales na magpasa ng kanilang mga life line rate discount bago sumapit ang ika 25 ng kada buwan. Ang Life line rate discount ay para lamang sa mga mamimilikasapi na nakaka kunsumo ng 1-40 kwts. Gayundin, ang BAPA ay hindi kasama sa Subsidy “ tawid kuryente o katas ng VAT”, na mula sa programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, ang mga opisyales ng BAPA ay maaring magsadya at makipag-ugnayan sa tanggapan ng BAPA sa PENELCO Main-Office, Balanga City.
|