GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow May 2007 arrow PENELCO: Bantay sa Eleksyon 2007

 
PENELCO: Bantay sa Eleksyon 2007   Print  E-mail 
Naganap noong ika-14 ng Mayo ang National Election na lubusang pinaghandaan ng PENELCO. Bago ang nasabing okasyon, iba’t ibang pagpupulong at paglulunsad ng mga activities sa mga service centers tulad ng right-of-way clearing ang isinagawa upang mas lalong maging matagumpay ang mithiin ng PENELCO na makapagbigay ng isang “Brownout Free” at maayos na serbisyong makatutugon kung sakaling magkaroon ng di-inaasahang insidente o pangyayari.

Dahil sa lubusang pakikibahagi ng PENELCO sa ikatatagumpay ng eleksyon sa Bataan, bumuo ang
General Manager na si Engr. Loreto Marcelino ng PENELCO team sa pangunguna nina Engr. Zaldivar at Engr. Paguio na magbabantay beinte-kwatro (24) oras sa bawat substations at service centers upang mapanatili ang kaayusan ng eleksyon.

Sa di-inaasahang pangyayari, naiulat na isang bayan sa Bataan ang nawalan ng kuryente, ito ay naganap sa Sitio Ibabao, Brgy. Poblacion, Morong. Ayon sa report ni PISPNP Aguilar, OIC ng Morong MPS, ilang armadong kalalakihan ang nagpaputok ng baril na tumama sa electrical transformer ng lugar na nagresulta ng power interruption. Alinsunod sa naibalita, ito ay mabilis namang natugunan ng PENELCO team at wala pang sampung minuto ay naibalik na muli ang kuryente at wala ng naulit na parehong insidente.

Ang mga nangyari namang segundong on-and-off na kuryente ay hindi maituturing na brownout sa kadahilanang ito ay split seconds o hindi matagal na nangyari at tinuturing na technical fault. Sa kabuuan, naging matagumpay ang PENELCO sa pagpapanatili ng maayos na serbisyo para sa halalan ngayong taon.

Two thumbs up para sa PENELCO team na nagpakapuyat at nagsakripisyo ng pagod at hirap upang mabantayan ang seguridad ng substations at makapagbigay ng maaasahang serbisyo para sa bayan!





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562296 Visitors

We have 4 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM