GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow April 2007 arrow Editoryal

 
Editoryal   Print  E-mail 
Ang buwan ng Abril ay hudyat ng bakasyon na nangangahulugan ng mas madalas na paggamit ng mga kasangkapang de-kuryente upang mapawi ang init dulot ng tag-araw. Sa ganitong mga pagkakataon din nakakatanggap ang opisina ng ilang reklamo ukol sa konsumo ng kuryente at tila mataas na electric bill, kagaya po ng madalas na ipinapaliwanag ng ating mga empleyado sa mga kasapi-konsumidores, mangyari pong paki-check ang resibo o electric bill, ikumpara sa mga nakaraang buwan at i-monitor ang gamit ng kuryente upang malaman kung may pagkakamali sa parte ng opisina o sadyang kailangan nang magtipid sa konsumo ng kuryente upang maiwasan ang malaking bayarin.

Ang buwan ng Abril ay pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. Kaya minabuti naming isulat ang karamihan ng mga artikulo sa sariling nating wika bilang pakikibahagi sa pagunita sa kabayanihan ng mga Filipinong naghirap at nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa.

Ang buwan ng Abril ngayong taong 2007 ay naghuhudyat sa kasagsagan o kainitan ng kampanyahan para sa nasyonal at lokal na halalan. Kaya ang ating pasubali sa ating mga kababayan ay ang pakikibahagi sa pagsasanay ng matalinong pagpili sa mga mamumuno sa ating pamahalaan para sa ikauunlad ng bayan. Sa pagsasanay na ito naipapakita ang pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan maging ano man ang katayuan sa lipunan, kaya't ingatan po ang ating napakahalagang boto.

Sa PENELCO, maging ano man ang panahon, kami ay handang maglingkod para sa kapakinabangan ng ating mga kasapi-konsumidores. Sapagkat sa PENELCO, we're happy to serve you!





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
564875 Visitors

We have 10 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM