|
Kilala nyo ba si Joey? Yes, si Joey Bantugan ng Engineering Services Division (ESD), ang sikat na tao ni Engr. Edwin Zaldivar! SIya ang namumuno sa TASK FORCE KAPATID, isang team ng PENELCO Crew na tumutulong sa pagre-rehabilitate ng mga napinsalang linya/serbisyo ng kuryente sa iba’t ibang lugar. Noong nakaraang taon (2006) ay nagsunod-sunod ang bagyong dumaan sa ating bansa kung saan nalugmok ang ating mga kasamang electric cooperatives sa “kadiliman”. Mayo 2006, naminsala si Caloy sa Oriental Mindoro, Oktubre 2006, si MILENYO ang nanira ng husto sa Albay, Bicol at bago matapos ang taon ay si REMING ang nagsara ng madilim na taon sa Oriental Mindoro - na naman. Gumana ng husto ang ating Task Force sa mga nasabing lugar sa pamumuno ni Joey Bantugan kasama sina Mike Vitug, Rustico Abapo, Naldy Felipe, Arnel Rodriguez at mga Project Employees na sina Joey Baino, Allan Marasigan, Jon-Jon de Guzman, Israel Bugay, Randy Yumang, Renai Soriano, Ed Blanco at Gil Malonzo. Gamit ang Telelect (Boom Truck) at isang AUV (L300) with tolls, tinawid nila ang nasabing lugar at tumulong sa pagpapanumbalik ng liwanag.
Winika ni NEA Adm. Edith Bueno na maituturing na kadakilaan ang ginawa ng TASK FORCE KAPATID na nanggaling sa pitumpu’t-siyam (79) na Electric Coops. Umulan, umaraw ay tuloy sila sa kanilang gawain ma-resume lang ang electric power sa nasalantang lugar. Anumang hirap at pagod na kanilang danasin ay biglang napapawi sa kasiyahan at taos-pusong pasasalamat ng mga residenteng kanilang napaglingkuran.
Dahil sa kanilang kabayanihan, sila ay binigyang parangal ng ating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Noong ika-dalawa ng Abril, 2007 kasama ang ating si JOEY BANTUGAN ay pinarangalan sila sa Malacañang, na kung saan nakaniig ang ating Pangulo sa presidential table kasama ang iba’t ibang Presidente ng mga kinatawan ng NEA at electric coops.
Minsan pa, iwinagayway ang bandila ng PENELCO sa buong bansa sa kabayanihan ng ating mga kasamang Task Force Kapatid.
Kasabay ng parangal sa mga Task Force “Action Men” ay ang panunumpa kay Pangulong GMA ng unang pamunuan ng TASK FORCE KAPATID Officers na kina bibilangan ng mga sumusunod: President: Mr. Tereso Libomfacit (CEBECO III) V-Pres.: Mrs. Ma. Lilibeth R. Fuster (PENELCO) Secretary: Mr. Jeremias Bolinao (BOHECO I) Treasurer: Mr. Rodolfo Reyes ( BATELEC I) Auditor: Mr. Pedrito Baculio (MORESCO I) Directors: Mr. Lyndon Abucay (LANECO) / Mr. Rogelio Gomez (ZAMSURECO II)
Ang nasabing okasyon ay sinabayan na rin ng pagdiriwang ng ika-pitumpu’t-isang (71) kaarawan ni Sec. Fr. Francisco Silva, doon din sa Malacañang at dinner sa NEA na dinaluhan ng mga Officers at Managers ng mga Electric Coops.
Belated Happy Birthday Father! Your PENELCO Family loves you! |