GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow April 2007 arrow PENELCO UNITES... facing the challenges of tomorrow...

 
PENELCO UNITES... facing the challenges of tomorrow...   Print  E-mail 
Naiibang pagdiriwang ang naganap sa ika-17 anibersaryo ng PENELCO noong ika-10 ng Abril 2007.  Pinasimulan ito ng isang misa ng pasasalamat sa Poong Maykapal para sa isa na namang masaganang taon na pinangunahan ni Bishop Socrates Villegas.  Iba't-ibang klaseng palaro ang inihanda para sa mga empleyado dahil isa itong pamamaraan na lalong mapaigting ang pagkakaisa ng mga kawani tungo sa patuloy na pag-unlad ng kooperatiba.

Dahil sa nataon na "Easter Tuesday", mayroong "Egg Hunting" para sa lahat ng empleyado.  Nagkalat ng 500 piraso ng itlog sa harap at paligid ng pangunahing tanggapan ng Koop. Ang bawat empleyado ay naghanap ng mga nakatagong itlog na naglalaman ng mga iba't-ibang regalo gaya ng kendi, pera, cellphone at iba pang mga sorpresang papremyo. Naging masaya ang lahat at muling naging bata ang pakiramdam sa larong ito.

Sinundan ito ng "The Amazing Race - PENELCO Edition" na sinalihan ng anim (6) na grupo: Blue Kulugo, Black Balakubak, Red Buni, Yellow Hadhad, Orange Eksema at Green Alipunga.  May labing-isang (11) pagsubok ang kailangang pagdaanan at matapos ng bawat koponan at ang unang makakatapos ng mga pagsubok ang siyang mananalo.  Ang bawat challenge ay may clue na kanilang pag-iisipan upang masagot at magawa ng wasto bago makuha ang susunod na clue.  Ang ilan sa mga challenges ay ang pagkakabit ng gulong at paglilinis ng mga sasakyan, pagsagot ng Math problems, at paghahanap sa mga itinagong clues.  Ang palarong nabanggit ay pinagwagian ng Blue Kulugo.

Hampas palayok, pabitin, palo sebo at Rocsta Challenge (paramihan ng mga taong makakasakay sa Rocsta) ang ilan pa sa mga palarong Pinoy na inihanda ng Games & Entertainment Committee sa pamumuno ni Kelly Medina. 

Matapos ang mapagod at magsaya sa mga palaro, isang masagana at masarap na pananghalian ang nakahanda sa Solidarity Hall na kung saan lahat ng empleyado ay salu-salong kumain at nagkwentuhan. Pagkakain, nagkaroon din ng basketball exhibition game na binuo ng mga piling empleyado na mahusay sa larong ito.  Ang Team B ang nanalo sa pangunguna ni Roy Mendoza, Captain Ball.

Ang huling bahagi ng programa ay ang pagbibigay ng mga pagbati at natatanging mensahe ng mga Board of Directors na sina Dirs. Manalili, Villaruz, Santos, Enriquez, Medina at Board Pres. Fuster. Binigyang importansya ang kahalagahan ng bawat empleyado sapagkat ang pursigidong pagganap at pagsasagawa ng kani-kanilang mga tungkulin ang siyang dahilan ng patuloy na tagumpay na kinakamit ng PENELCO. 

Isang malaking karangalan sa lahat ang pagdalo na ating mahal na Gobernador Tet Garcia at nang ating butihin at gwapong-gwapong Kongresista Abet Garcia, bilang mga panauhing pandangal.  Nagbigay sila ng pagbati, papuri at pasasalamat sa mahusay at  mabisang serbisyo sa lahat ng mamamayan ng Bataan.  Kanila pang idinagdag na kasama at katulong ang PENELCO sa kaunlarang tinatamasa ng buong lalawigan ng Bataan.  Dagdag pa nila, nahihikayat ang mga mamumuhunan na magsimula ng kanilang negosyo dito sa Bataan dahil sa mahusay na serbisyong pang-elektrisidad na binibigay ng PENELCO.

Ang ating General Manager na si Engr. Loreto A. Marcelino ay nagbigay ng panghuling pananalita. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga naging abala at tagapangasiwa para sa pagdiriwang partikular kay Marvin Medina, Overall Chairman para sa isang matagumpay na pagdiriwang ng ating anibersaryo.  Binigyang-diin ni GM  Marcelino ang kahalagahan ng pagkakaisa o "unity" ng bawat isa tungo sa iisang layunin -- Ito ang siyang nagbibigay-ilaw patungo sa maliwanag at maunlad na kinabukasan ng kooperatiba.

Upang patuloy na magbigay buhay at kasiyahan para sa lahat, naghandog na ilang awitin ang PENELCO Band habang nagmemeryenda ang lahat.  Muling nagpatuloy ang ilang palaro tulad ng "On D Spot", "Gaw-gaw Challenge", "Bring Me", at "Mummy Challenge" na sinorportahan at sinalihan ng maraming emplyedo.  Siyempre, hindi mawawala ang taunang pa-raffle para sa mga empleyado.  Kinasabikan ng lahat ang mga naggagandahang papremyo na ipinagkaloob ng ating mga isponsors.

Sa kabuuan, naging masaya at matagumpay na naidaos ang ika-17 anibersaryo ng PENELCO... Maraming mga pagsubok ang dumating sa nagdaang taon at ang mga ito ay nagsilbing aral at gabay upang ang lahat ay patuloy na maging matatag at nagkakaisa sa pagharap ng mga problema.  Isang panibagong taon upang maging mas episyente ang lahat sa pagkakaloob ng mahusay na serbisyong pang-elektrisidad para sa lahat ng mamayan ng lalawigan ng Bataan.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562377 Visitors

We have 5 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM