GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow May 2006 arrow MAY Birthday Celebration

 
MAY Birthday Celebration   Print  E-mail 
30 Empleyado ng PENELCO na pinanganak sa buwan ng Mayo kasama na ang Direktor ng Mariveles, Dir. Jose Michael Operario ang nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Mayo 18, 2006, Huwebes na ginanap sa PENELCO Leadership Hall.

Ang lahat ng kawani ng Main Office at Service Center ay nagtipon-tipon upang dumalo, bumati at tunghayan ang pinakahihintay nilang kakaibang presentasyon ng May Celebrators.

Bilang paunang salita at representante na din ng May Celebrators, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Mr. Marvin Medina para sa June Celebrators na kung saan sila ang tumayong Host o punong abala sa pagprepara at paghahanda para sa nasabing okasyon.

Gayundin, nagbigay ng kanilang warmth thoughts and wishes ang 10 Direktor na sina: Dir. Gene Malibiran ng Samal, Dir. Carling Enriquez ng Balanga, Dir. Raf Pizarro ng Pilar, Dir. Lilibeth Fuster ng Orion, Dir. Alberto Villaruz ng Limay, Dir. Danilo Santos ng Hermosa, Dir. Fer Manalili ng Dinalupihan at ang panghuli ay si Dir. Michael Operario ng Mariveles na nagpaunlak ng isang awitin bilang kanyang solo presentation.

Matapos ang mga mensahe ng pagbati ay nagkaroon ng viewing ng video testimonials na kung saan nagbigay din ng pagbati ang mga pamilya/kapamilya, kaibigan at co-workers ng mga may kaarawan.

Masasabi nga namang talagang kakaiba ang presentation ng May Celebrators dahil hindi na ito isang dance presentation na nakagawian ng bawat grupo na nagdiriwang ng kaarawan buwan-buwan. Isa itong dulaang komedya / Cinema Silencio na karugtong or continuation na inihanda din nila noong Birthday Celebration ng 2004 na pinamagatang "Petunia in the City". Halo-halong Korea Novella ng Channel 7 (Jowa in the Palace, Kim Sang Soon), at TV Commercials na ginawang katatawanan. Halos ang lahat ay hindi magmaliw sa katatawa dahil talaga namang walang kasing galing sa pagpapatawa ang bida na si Marie Cortez, Teller ng Balanga Service Center.

Matapos mapanood ang Cinema Silencio agad sinunod ang traditional PENELCO shaking of hands, blowing of candles at tossing of wine. Syempre pa kasama nila doon ang aming mahal na General Manager, Loreto A. Marcelino na nagbigay din papuri at pagbati sa May Celebrators.

Maligayang Pagbati sa kapwa ko nagdiwang ng kaarawan!





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562263 Visitors

We have 10 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM