| |
|
PENELCO Summer Outing '06
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ang Penelco ng isang kakaibang SUMMER OUTING sa labas ng Bataan. Ginanap ito sa Subic Zambales noong ika-13 ng Mayo taong kasalukuyan. Lahat ng empleyado ay dapat na ma-experienced ang mga ganitong kasayahan kung kaya't halos 95% nito ay dumalo. Lahat ay nasiyahan sa ganda ng nasabing lugar. Hindi nga lamang masyadong na enjoy dahil sa masama ang lagay ng panahon. Ako mismo ay nagandahan sa mga views na pwede nating ipagmalaki kung sakaling magkakaroon tayo ng mga panauhin na buhat sa ibang bansa. May mga empleyado rin na kasama ang kanilang mga asawa at anak ng sa gayon ay maranasan nito ang kagandahang dulot ng Grande Island. Nagkaroon din ng mga palaro na ikinadagdag kasiyahan sa mga naroroon. May mga ilan din na nagswimming kahit medyo malamig ang simoy ng hangin na dala ng bagyong Caloy pero hindi ito naging sagabal sa kanila para mag-enjoy.
May mga ilang director rin ang dumalo sa nasabing outing. Ito ay sina Dir. Gene Malibiran dela Fuente kasama ang kanyang 2 anak, Dir. Pizarro at ang kanyang kabiyak, Dir. Ricardo at siyempre ang General Manager ng Penelco at ang kanyang maybahay.
Sa pagkakataong ito ay muli na namang ipinakita ng Penelco ang kanilang pagkakaisa at pagmamahalan dahil kahit anung sama ng panahon ay pinilit pa rin nilang makadalo sa nasabing outing. Bawat isa ay magsasabing napakaganda ng lugar na talagang makakaakit sa mga turista na madadayo dito sa ating bansa. Dahil dito, umaasa muli ang mga kawani ng kooperatiba sampu ng mga BOD na sa susunod na taon ay ibang lugar muli ang kanilang mararating na alam nilang ito ay kanilang magugustuhan. Kaya't para sa mga Committee na nasa likod ng outing na ito, Congratulations for a job well done!!! |