|
|
|
|
|
|
Karaniwan nang gumagawa ng mga resolution o listahan ng mga gagawin o activities ang mga tao, ngunit may isang tao na nagtatala ng mga mahalagang pangyayari na natapos na. Nananalangin siya ng ganito, " Bigyan mo po ako ng kakayahang magawa ko ang nais mo sa maghapong ito". "Nakaya kong tumulong sa mag-asawang di magkasundo". "Napalakas ko ang loob ng isang tao na may taning na ang buhay sa tulong ng Diyos". "Nakaya dahil sa tulong ng Diyos" Alam na alam niya na di sa sariling kalakasan o kakayahan niya nagagawa ang tumulong kundi sa tulong ng Diyos. Sa ganitong pangyayari nabibigyan niya ng kaluwalhatian ang Diyos. Tulad ni Pablo nasabi niya "lahat ng bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang nagpapalakas sa akin"(Filipos 4:13.)
Sa pagsisimula ng bawat bagong araw hilingin sa Diyos na palakasin ka, pagbalikan-tanaw ang nakaraang maghapon at purihin ang Panginoon sa lahat ng kakayahang bigay Niya. |