|
|
|
|
|
|
Para sa kaalaman ng lahat, ang 10% EVAT (Expanded Value Added Tax) ay ipinapataw na ng lahat ng Electric Cooperatives simula noong ika - 1 ng Nobyembre 2005 sa lahat ng mamimili kasapi nito at gayundin sa lahat ng BAPA. Ito ay alinsunod sa Tax Code na ipinagtibay ng Republic Act No. 9337. Ang nasabing EVAT ay idinadagdag sa buwanang nakokonsumong koryente ng bawat kasapi. Bagamat, ang lahat ay may pagtutol sa pagpapatupad sa 10% EVAT, muli na naman itong nadagdagan ng 2% VAT sapagkat simula Pebrero 01, 2006 ito ay naging Reformed Value Added Tax (RVAT) na. Ang Penelco ay isa lamang sa naatasang taga-kolekta ng nasabing VAT at ito po ay hindi napupunta sa kaban ng Kooperatiba kundi sa ating Gobyerno.
Huwag na po tayong magtaka, kung sakali man, na muli na namang madagdagan ang ating babayarin sa koryente sapagkat hindi naman lingid sa ating kaalaman at laman sa lahat ng pahayagan ang implementasyon ng VAT.
Para sa lahat ng kasapi, makabubuti na lamang na tayo ay magtipid at gamitin natin ng tama ang ating koryente para na rin sa ating kapakanan. |