| |
|
BAPA PPDC Area 1, Mariveles
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Noong ika- 28 ng Disyembre 2005, ang lahat ng opisyales ng BAPA ng Penelco ay nagdaos ng Post Christmas Party sa Solidarity Hall ng Penelco Main Office. Naging matagumpay ang nasabing okasyon sapagkat ang lahat ay nakisaya. Bilang pagkilala sa mahusay at magandang operasyon ng mga BAPA, ang Kooperatiba ay nagbigay ng halagang Dalawang Libong Piso (P2,000.00) at Certificate bilang gantimpala sa mapipiling Best BAPA ng Penelco. Nagkaroon ng mga criteria sa pagpili ng Best Bapa at ito ay binase ayon sa kanilang System Loss, Collection Efficiency, Bapa Projects, Net Margin at iba pa. Ang BAPA PPDC Area 1 ng Batangas 2, Mariveles, Bataan sa pamumuno ni Chairwoman Mariquita Sobejana ang nagwagi at nag-uwi ng karangalan bilang Best Bapa ng Penelco. Dahil sa taglay na kasipagan at tapang ni Chairwoman Sobejana ang kanilang BAPA ay nakakuha ng kabuuang 90% na puntos.
Ang pagbibigay ng parangal sa mahuhusay na BAPA ay isang malaking hamon sa kanila upang lalo nilang pagsumikapan na paunlarin, magkaisa ang lahat ng mga kasapi at patuloy na pagandahin ang takbo ng kanilang samahan bilang isang munting Kooperatiba. |