GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow November 2005 arrow PENELCO BAPA, KAAKIBAT SA KAUNLARAN

 
PENELCO BAPA, KAAKIBAT SA KAUNLARAN   Print  E-mail 

Ang mga opisyales ng Bapa sa buong Bataan ay nagkaroon ng dalawang (2) araw na pagtitipon o General Assembly sa Leadership Hall ng Penelco Main Office.

Ang Bapa General Assembly para sa Unang Distrito ay ginanap noong ika - 7 ng Nobyembre samantalang ang Ikalawang Distrito naman ay noong ika - 8 ng Nobyembre 2005. Naging matagumpay ang dalawang araw na okasyon sapagkat halos lahat ng Chairman ng BAPA ay nagsidalo. Naroon din ang mga Board of Directors na sina Dir. Manalili, Dir. Rubia at Dir. Valencia na nagbigay ng mahahalagang mensahe na may kinalaman sa magandang operasyon ng Penelco. Samantala, si Dir. Medina naman ang naglahad ng mga Accomplishments ng Penelco, gaya ng magagandang opisina ng Penelco sa bawat bayan, mga Substations at iba pang mga pagawain.

Ipinakita rin sa video ang mga tao sa likod ng tagumpay ng Penelco kung bakit nakamit nito ang magandang estado ngayon. Ang panauhin naman na mula sa NEA sa katauhan ni Gng. Milagros Quinajon ay naglahad ng mga bagay bagay tungkol sa Rural Electrification Program at mga tulong na ibinibigay ng NEA sa mga Kooperatiba. Ang mensaheng binigay ni Gng. Quinajon para sa mga opisyales ng Bapa ay ipagpatuloy ang kanilang suporta sa mga gawaing pangkaunlaran ng Penelco sapagkat ang tagumpay ng Penelco ay nanga ngahulu-gan na ito ay makakapagdulot ng maayos at dekalidad na pamumuhay at magan-dang kinabukasan para sa probinsya ng Bataan.

Ang dalawang araw na General Assembly ng BAPA ay naging kapaki-pakinanabang sapagkat ito ay nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon sa mga opisyales ng Bapa tungkol sa mga hakbangin at magagandang Accomplishments ng Penelco at mga matataas na parangal na nakamit nito bilang isa sa pinakamahusay na Kooperatibang Pang-elektrisidad sa buong Pilipinas.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562268 Visitors

We have 14 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM