| |
|
Disco with Power, Isang Uri ng Jumper
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Sa hirap at krisis na kinakaharap ng bawat Pilipino, ilan sa kapwa natin ang nakakaisip na gumawa ng mga ilegal na gawain o pamamaraan upang patuloy nilang tamasahin ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Tulad ng samahan sa BAPA, maraming kasapi dito ang nahuhulihan ng pandaraya ng koryente. Ang ibang mga kasapi dito na naputulan ng serbisyo ng koryente sanhi ng di nila pagbayad sa kanilang buwanang konsumo ay nakakagawa ng ilegal na pamamaraan para lamang patuloy nilang tamasahin ang benepisyo ng koryente. Para sa kaalaman ng lahat, ang sinumang kasapi ng BAPA o Penelco na mahululihan na nagkabit o nag tap ng koryente sa kabila ng ito ay naputulan na ng serbisyo ng koryente o disco with power ay mapapatawan ng kaukulang multa na nagkakaha-lagang APAT NA LIBONG PISO.
Ang disco with power ay itinuturing na isa sa uri ng pandaraya o pagnanakaw ng koryente. At para maiwasan ito, sikapin po natin na mabayaran ang ating buwanang konsumo ng koryente at tuparin natin ang ating obligasyon bilang isang tapat at mabuting kasapi ng ating Kooperatiba. |