GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow August 2005 arrow PENELCO band, dumalo sa NEA Week

 
PENELCO band, dumalo sa NEA Week   Print  E-mail 

Muli na namang pinatunayan ng Penelco Band ang kanilang husay sa pagtugtog nang muli silang maimbitahan sa huling araw ng pagdiriwang ng NEA week sa kanilang Fellowship night noong ika-5 ng Agosto taong kasalukuyan.

Gabi, na kung saan ang lahat ng mga kawani nito ay naroroon at walang tigil sa kanilang mga kumustahan. Pasado alas dose na ng hatingggabi ng matapos ang nasabing kasayahan.

Halos makikita mo sa kanila ang total solidarity dahil hangga't naroroon ang panauhing si Fr. Francisco Silva ay hindi nila iniwan ang nasabing okasyon. Ito rin ang unang taong anibersaryo ng pagkakahirang ng kanilang Administrator na si Kgg. Edita S. Bueno bilang bagong mamumuno sa kanilang tanggapan.

Dahil sa ipinakitang galing sa sayawan ay lalong pinaghusayan ng Penelco Band ang kanilang pagtugtog upang lalong maging makulay ang nasabing okasyon. Pinasalamatan ito ng halos lahat ng kawani ng NEA na ayon sa kanila, ang Penelco daw ay masasabi na nilang kapuso at kapamilya dahil lagi daw itong naroroon sa kahit anung okasyon ang kanilang ginaganap.

Kung sabagay, halos taun-taon nga naman ay kasama nila ang nasabing band sa kahit anumang kanilang ipinagdiriwang. Pasasalamat din ang kanilang nais iparating sa butihing General Manager na si ENGR. LORETO A. MARCELINO dahil sa pagpayag nito na dumalo sa NEA week celebration. At para naman sa mga bumubuo ng Penelco Band, CONGRATULATIONS again for a job well done.....





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
564877 Visitors

We have 9 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM