|
|
|
|
|
|
Ang pamamahala sa isang samahan ay lubhang napakahirap sapagkat anuman ang maging kahihinatnan ng operasyon nito ay magrereflect sa taong namamahala. Tulad ng mga opisyales ng BAPA, karamihan sa kanila ay sumusuko na sa dahilang ang mga kasapi nila ay nagiging pasaway at nakakalimot sa kanilang mga obligasyon at tungkulin. Dahil dito, muli naming ipinapaala-ala ang mga responsibilidad ng isang mabuting kasapi o miyembro ng BAPA. PAGBABAYAD
Ang mga kasapi o miyembro ng BAPA ay binibigyan ng sampung (10) araw na palugit upang magbayad ng kanilang electric bill simula sa araw na matanggap ang Statement of Account. Ang anumang reklamo ay hindi dahilan upang hindi magbayad. Ang hindi pagbabayad sa takdang panahon ay nangangahulugan ng pansamantalang pagkaputol ng serbisyong koryente.
Ang bagay na ito ay dapat sundin at tandaan ng isang kasapi sapagkat ang kanilang kooperasyon at pakikiisa ay isa sa napakahalagang sangkap upang maging maunlad at maayos ang samahan sa BAPA at upang maiwasan na rin ang samaan ng loob at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng opisyales at mga miyembro. Ang aming panawagan sa lahat ng mga miyembro, sanay maging bukas ang inyong isipan hinggil sa bagay na ito para na rin sa kapakanan at kabutihan ng inyong BAPA. (ni Carmen D. Cruz) |