| |
|
Illegal na Koneksyon, Iwasan
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Ang Pangasiwaan ay nagdaraos ng Pre-membership seminar tuwing Martes sa ganap na alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon. Isa sa mga tinatalakay dito ay ang pag-iwas sa paggamit ng ilegal na koneksyon. Mapapansin na marami na naman ang nahuhulihan sa kasalukuyan. Ang kaso ng "disconnected with power" ang madalas na ginagawa. Ito ay ang mga nalalagutan dahil sa hindi nakapagbayad ng nakunsumong kuryente at muling ikinakabit ng hindi pa nakapagbabayad. Isa rin kaso ang "flying koneksyon o bigayan system". Ang ginagawa rito ay pagbibigay ng kuryente sa isang bahay dahil sa naaawa sa kapitbahay o ginagawang hanapbuhay ng ilan. Ang kuntador ay nakadisenyo lamang sa isang bahay at PENELCO lamang ang may karapatan na mag supply ng kuryente para sa isang bahay.
Marami pa ring kaso ng pandaraya dahil umano sa taas ng bayarin sa kuryente. May iba pang paraan upang bumaba at makatipid sa babayaran sa kuryente.
Gumamit po sana tayo ng tamang paraan ng pagtitipid sa kuryente. Ayon sa patakarang pinagtibay ng Hunta Direktiba, ang kaso ng "disconnected with power: ay pinagmumulta ng hindi bababa sa apat na libong piso (P4,000.00) o higit pa base sa kanyang load. Ang "flying connection" naman o bigayan system ay parehong pinagbabayad ng multa base na rin sa load at may balik kwenta na 18 months sa unang pagkakahuli, 24 months sa ikalawa at 30 months sa pangatlong pagkakahuli. Ang ika-apat na paglabag ay dadalhin na ang kaso sa hukuman o hindi na muling kakabitan ng kuryente. (By: Gina M. Jorge) |